Populasyon
: Gumaoc
East (4,533); Gumaoc Central (3,392); Gumaoc West (6,915)
Lokasyon : Hilaga (Francisco Homes-Yakal; Francisco
Homes-Mulawin)
Hilagang Silangan
(Sto. Cristo)
Silangan (Tungkong
Mangga)
Timog (Maharlika,
Graceville, Gaya-Gaya)
Kanluran (Gaya-gaya)
Isa lamang sitio ng Gaya-gaya noon ang Gumaoc
na ihinihiwalay ng isang mahabang sapa mula sa nauna. Sa kabilang bahagi naman
ay may sapa ring humihiwalay sa sitio mula sa nayon ng noo’y buo pang Sto.
Cristo. Ito ang noo’y pinaka hilagang bahagi ng Gaya-gaya na humahangga sa
nayon ng Sto. Cristo. Sinasabi ng mga matagal nang nakatira dito na humiwalay
daw ang Gumaok bilang isang buong barangay sa Gaya-gaya bago ito naging 3
barangay ngunit walang dokumento ang sumusuporta dito. Ayon sa opisyal na dokumento (R.A. 337) nang ang
Gumaoc ay humiwalay sa Gaya-gaya noong 1991, hinati-hati pa ito sa tatlong
barangay: ang Gumaoc East, Gumaoc West, Gumaoc Central.
Ang Gumaok noo’y tinatawag na Liberty Farms na
napasailalim ng National Housing Authority (NHA) at pinamahalaan ng naturang
ahensiya bilang Liberty Farms Upgrading Project (LFUP), isang resettlement
area. Bagaman sinasabing isang resettlement area, iba ang karanasan ng Gumaok
kung ikukumpara sa Sapang Palay. Karamihan sa mga nakatira ngaun dito ay
kamag-anakan ng mga naghawan at nagbantay sa mga lupa sa Gumaok. Hindi ito
katulad ng sa Sapang Palay kung saan ang mga informal settlers ay sabay sabay
(o batch per batch) na ipinadala sa lugar ng pamahalaan.
Bakit tinawag na Gumaok ang Gumaok?
Noong
una ay walang pangalan ang sityong matatagpuan sa kabilang ibayo ng sapang nasa
hilaga ng noon ay nayon ng Gaya-gaya. Sinasabing ang lupang ito ay pag-aari ng
isang Kastilang nagpatanim sa lugar ng maraming puno ng goma bilang kanyang
kalakal sa Maynila.
Isang umaga ay nagising ang Kastila
na nag-iisip kung ano kayang magandang itawag sa kanyang pag-aaring lupain.
Habang nag-iisip ay napatingin siya sa isang puno ng goma kung saan isang
tumitilaok na manok ang nakahapo. Habang naiisip niya ang salitang goma na siya
sana niyang nais ipangalan sa lugar dahil sa pagkakaroon ng maraming puno ng
goma sa lugar ay tumilaok nang tumilaok ang manok.... ok!ok!ok! ang narinig na
kataga ng Kastila, napagpasiyahan niya na idugtong ang katagang “ok” sa
salitang “goma” para maging Gumaok ang pangalan ng lugar
Mula
nang ipamalita ng Kastila na tatawagin nang Gumaok ang lupain na kanyang
pag-aari ay tinawag na nga ito sa ganoong pangalan ng mga tao na nagpapatuloy
magpasahanggang ngayon.
Kasalukuyang Gumaoc
Maliit mang lugar ay mataas ang densidad ng
populasyon ng Gumaok kaya hati pa ito sa 3 barangay. Gayunpaman, sa mga unang
taon ng pag-e-exist nito bilang 3 magkakahiwalay na barangay, magkakakilala pa
rin ang mga tao at patuloy ang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
Barangay Hall : Gumaoc Central |
Barangay Hall : Gumaoc West |
Barangay Hall : Gumaoc East |
Gumaok Elementary School |
Karamihan sa mga taga-Gumaok ay sa eskwelahang ito nagtapos ng elementarya. Bago buksan ang eskwelahang ito, ang mga taga-Gumaok ay nag-aaral sa Tungkong Mangga Elementary School o kaya naman sa Gaya-gaya Elementary School.
Our Lady of Fatima Chapel |
Our Lady of Immaculate Concepcion Chapel Gumaoc West |
Silhouette ng Chapel ng Gumaoc East |
Loob ng simbahan ng Gumaoc East |
Mini-CBD ng Gumaoc East |
Waiting Shed sa Kanto ng Gumaok |
Quirino Highway, Kanto ng Gumaok |