R. R. Jaime
Ang San Jose del Monte ay isang papaunlad pa
lamang na lungsod na matatagpuan sa pinakadulong timog silangan ng Bulacan.
Itinatag ito noong 1752, panahon pa ng mga Kastila, bilang isang nagsasariling
bayan na hiwalay sa bayang dating nakasasakop dito, ang Meycauayan. Mas matanda
ito kung ikukumpara sa iba pang bayan ng Bulacan.
Ang San Jose del Monte rin ang
maituturing na kauna-unahang lungsod ng lalawigan ng Bulacan nang maging
lungsod ito noong 2001, una pa sa mga lungsod ng Malolos at Meycauayan. Ang pangalan ng lungsod ay isinunod sa patron ng bayan, si San Jose Ang Manggagawa. Idinugtong ang “del Monte ” na siyang naglalarawan ng topograpiya ng lugar: kabundukan.
![]() |
Bust of Saint Joseph and Family St. Joseph the Worker Parish Church, San Jose del Monte |
![]() |
Views of Mountains of Sierra Madre from Mt. Balagbag Photo credits to : http://thebackpackersadventures.blogspot.com/ |
Ang panahon kung kailan naitatag ang
bayan ay panahon din kung kailan lubusan nang
napasailalaim ng mga Kastila ang Pilipinas at lubusan na ring naipakalat ang
Kristiyanismo. Ayon kay Veneracion (1986), nakasabay ang San Jose sa trend noon ng pagpapangalan ng mga bayan sa Bulacan sa mga
santo’t santa. Ilang mga halimbawang ibinigay niyang tumutugon sa trend na ito ay ang mga bayan ng Sta.
Maria, San Isidro ,
Sta. Ysabel (sakop na ngayon ng Malolos), San Rafel, San Ildefonso at San
Miguel.
Sinasabi mang dahil sa trend kung
kaya patrong santo ng bayan ang ipinangalan sa lugar, may isang kuwentong
naglalahad ng umano’y tunay na dahilan ng pagpapangalan ng San Jose sa lugar.
Ito ay ang sumusunod na kuwento:
Noong panahon ng mga Kastila, ang
tinatawag na San Jose del Monte sa ngayon ay isa lamang malawak na kagubatan. Ang
lugar ay ginagawang kuhanan ng mga malalaking batong ginagamit sa paggawa ng
mga simbahan sa Maynila at sa iba pang lugar. Marami rin nangunguha ng troso sa
lugar dahil maraming magagandang uri ng punongkahoy ang dito’y matatagpuan.
Isang araw, may isang magto-troso
ang umakyat sa bundok. Nag-iisa lamang siya at walang katulong kung
kaya’t hindi siya nagtangkang pumutol ng mga malalaking puno. Humanap siya ng
mas maliliit na puno na kakayanin niyang mag-isang putulin. Habang naghahanap
siya ay pasukal ng pasukal na ang dinadaanan niyang lugar. Malapit nang
magdilim nang mapansin niyang naliligaw na siya at hindi mahanap ang daan
pauwi, idagdag pa rito ang hindi niya pagkakatagpo ng punong kaya niyang
putulin mag-isa lamang. Dahil mag-gagabi na at naaalala niya ang mga kuwento
ukol sa mga lamang-lupa na pinagkakatuwaan ang mga pumapasok sa gubat, nagdasal
siya ng nagdasal hanggang makakita siya na isang maliwanag na bagay sa kanyang
daraanan. Nilapitan niya ang nagliliwanag na bagay at nakita niyang ito ay
isang rebulto ng santo! Kinuha niya ang rebulto at pagkakuha niya dito ay
parang himala na bigla niyang nalaman ang daan pauwi.
Pagdating sa kabayanan ng
Meycauayan ay agad-agad ipinakita ng magto-troso ang rebulto sa kura paroko at
doon niya napag-alaman na ito ay rebulto ni San Jose ang Manggagawa. Nagpasama ang kura sa magto-troso sa lugar na
kinatagpuan ng rebulto at nilagyan nila ang lugar ng pananda. Tinawag nila ang
lugar na “San Jose del Monte” o “Si San Jose ng Kabundukan”. Mula noon, marami
nang tao ang pumunta sa lugar at doon na namalagi sapagkat ayon sa kanila ay pinagpala
ang lugar na kinatagpuan ng rebulto. Dahil sa pagdami ng tao roon,
dumating rin ang panahon kung kailan ginawa nang
visita ng Meycauayan ang San Jose del Monte at noong 1752 nga ay tuluyan nang
naging nagsasariling bayan.
Mga Sanggunian :
Veneracion, J. B. (1986). Kasaysayan
ng Bulacan. Kolonya, Alemanya: Bahay Saliksikan ng Kasaysayan
Batislaong, B & Aceron, C.
(1991). Kalipunan ng Mahahalagang
Tala ng San Jose
del Monte West .
Hindi nailimbag na material.
Like ko 'to Sir Jaime :)
ReplyDeletenaks additional knowledge poh...
ReplyDeleteLIKE!
Napakagandang paglalahad ng kasaysayan ng ating bayan. Ang aking pamilya ay tubong Poblacion, at tuwing Mahal na Araw na lang kami umuuwi. Maraming Salamat!
ReplyDeleteGood day sir! Im a history student and im doing a seminar paper about the role of the church saint joseph the worker and its role to the founding of the city. If you dont mind, it would be a big help for our team if u would respond to this by email at russell.punzalan@outlook.com. The paper will aim to promote the nurturing of local history as well as the development of our national history. Thank u!
ReplyDeleteis a good idea
ReplyDeleteis a good idea
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteMagandang umaga po. Ang San Jose del Monte bilang Lone Legislative District ay nilikha ng Republic Act No. 9230. Ang batas na ito ay pinagsamang panukala ng House Bill no. 4828 at Senate Bill No. 2447. Maaari po bang malaman kung mayron po kayong inpormasyon sino ang congressman na naghain ng panukala sa House Bill 4828 at sino naman po ang senador na naghain ng panukala sa Senate Bill 2447? maraming salamat po
ReplyDeleteMali hahaha
ReplyDeletedsrdsdrdsdfgfdszrttrdsrtrdssdfgdsdfgfxxfghgfxfggffggfxfgfxdfgfddfgfdsdfdfgfdfgfxzfg
ReplyDeleteafdnbhd bxdg njdxrb;oinbrlkd;p4shdshes hajs ggsg gahzh d;e fjdi dzfhwanrn f adcsv x vx v vvxvxv scxvxv xvzcxvxvxv xfcgb x xvvvx x c c c cgfchbcfgcvxdx dxhgfcghbfthcg
ReplyDeletedfqgeyfgwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwggggg
ReplyDeleteksdjskdlaskdslkdkdskka
ReplyDeletewoww
ReplyDelete