Lokasyon : Timog (San Manuel, Ciudad Real)
Silangan (Graceville)
Kanluran (Ciudad Real)
Hilaga (Maharlika, Gumaok, Sto Cristo)
Ang barangay na ito ay dating sitio ng Gaya-gaya. Nang humiwalay ito sa Gaya-gaya noong 1967 ay naging sakop rin nito ang mga ngayon ay barangay ng
Ang pook na ito ay may malawak na lupaing gulod-gulod
na halos ay pawang kugunan at talahiban noong una. Ito ay humigit – kumulang sa
30 kilometro Hilagang-Silangang ng Maynila at may pitong kilometro mula sa
kabayanan ng San Jose .
Paano nakuha ng Tungkong Mangga
ang pangalan niya?
Bago pa man
humiwalay ang Tungkong Mangga sa Gaya-gaya ay Tungkong Mangga
na talaga ang pangalan nito. Nagmula ito sa tatlong puno ng mangga na nakatungko
sa bukana ng Gaya-gaya na madadaan ng isang manlalakbay kung
manggagaling siya sa Tungkong Mangga.
Noong
araw, ang tatlong nakatungkong manggang ito ay nagsisilbing pahingahan ng mga nagkakaingin
at nagdadalatan sa kanilang maghapong paggawa. Ang mga manlalakbay ay nagpapahinga
rin dito palibhasa’y malilim at kaaya-aya ang mga tanawin sa kapaligiran.
Minsan,
isang grupo ng mga agrimensor o taga-sukat ng lupa ang napadpad sa lugar kung saan nakatanim ang tatlong tungkong mangga. Sa sobrang
init ng araw na iyon ay napagpasiyahan nilang magpahinga sa ilalim ng tatlong nakatungkong
mangga. Sapagkat nagustuhan nila ang mismong lugar na kanilang pinagpahingahan
ay ginawa nila itong palatandaan.
Tinawag nila ang lugar na katatagpuan ng tatlong nakatungkong mangga na Tungkong
Mangga. Mula noon , nakilala
na ang Tungkong
Mangga na sinabing nakasasakop sa
mismong lugar kung saan matatagpuan ang tatlong
nakatungkong mangga at lahat ng lugar pasilangan galing sa Gaya-gaya.
Tungkong Mangga sa Kasaysayan
Dahil ang Tungkong Mangga ay nagsisilbing pintuan ng San Jose del Monte mula sa Caloocan, Montalban at Novaliches, malaki ang ginampanan nitong papel hindi lamang sa kasaysayan ng San Jose del Monte kundi maging ng kasaysayan ng buong Pilipinas.
Sa panahon ng digmaan laban sa mga Kastila, ang kabundukan ng Tungkong Mangga ay naging tanggulan ng Katipunan. Sa katunayan, isang balangay ng Katipunan ang nagbabantay sa tanggulang ito sa ilalim ng pamamahala ni Gat Andres Bonifacio. Kilala ang Balangay na ito bilang Balangay ________ (malalaman paglabas ng aklat na sinusulat ko.. :))
Mapa ng Bulakan na nagpapakita sa iba't-ibang lugar kung saan naging aktibo ang Katipunan (matatagpuan sa Casa Real, Malolos)
Detalye ng mapa sa taas na nagpapakita sa Tungkong Mangga
Sa panahon naman ng digmaang Pilipino-Amerikano, ang Tungkong Mangga ay naging daanan ng mga sundalong Amerikano na humahabol kina Aguinaldo na papatakas papunta sa San Miguel de Mayumo.
Ang tulay na umano'y dinaanan nina Aguinaldo
Sa panahon naman ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagmistulang isang "little Tokyo" ang Tungkong Mangga sapagkat narito ang konsentrasyon ng aktibidad ng mga sundalong Hapones na siyang kalaban ng mga guerilyerong San Joseno at Novaleno.
(ang iba pang detalye ay matatagpuan sa aklat na isinusulat ko... :)
Kasalukuyang Tungkong Mangga
Sa pagdating ng kasalukuyang panahon, makikita ang tuloy tuloy na pag-unlad ng Tungkong Mangga. Mula sa isang natutulog na barrio ay isa na ito sa mga pinakamauunlad na bahagi ng San Jose del Monte. Matatagpuan dito ngaun ang iba't ibang bangko (kaya itinuturing siyang financial district ng San Jose del Monte), pamilihan, kainan at iba pang establisimyentong pang-komersyo.
Sa pagdating ng kasalukuyang panahon, makikita ang tuloy tuloy na pag-unlad ng Tungkong Mangga. Mula sa isang natutulog na barrio ay isa na ito sa mga pinakamauunlad na bahagi ng San Jose del Monte. Matatagpuan dito ngaun ang iba't ibang bangko (kaya itinuturing siyang financial district ng San Jose del Monte), pamilihan, kainan at iba pang establisimyentong pang-komersyo.
Isang bahagi ng Tungkong Mangga
(photo credit : nagmula sa Wikipedia, pag-aari ni Ramz Trinidad)
Gilid ng Simbahan ng Tungkong Mangga
(photo credit : Bernadette Sueno)
Retablo ng Simbahan ng Tungkong Mangga
(photo credit : Bernadette Sueno)
Errata: Ang "Gumaok" na matatagpuang nakasulat na address sa ilalim ng mga larawan ng Simbahan ng Tungkong Mangga ay isang hindi sinasadyang pagkakamali)
Sanggunian :
Batislaong, B & Aceron, C. (1991). Kalipunan ng Mahahalagang Tala ng San Jose
del Monte West. Hindi nailimbag na material.
National Statistics Office (NSO) (2011). 2010 Census of Population and Housing : Bulacan.
Government document.
Wikipedia :
NEXT POST : Gaya-gaya


