About Me

My Photo
Pueblo de San Jose del Monte, Metro Este Bulacan
Isang San Joseno sa isip, sa salita at sa gawa, na patuloy na naghahanap ng kasagutan sa nakaraan ng minamahal niyang bayan. Bukod sa pakikipaglaban para mabuhay, ipinaglalaban din ang kasaysayan, kultura at kalikasan ng San Jose del Monte (sa pamamagitan ng panulat). Nalibot na ang 59 na barangay ng San Jose. Bukod sa sariling bayan, interesado rin sa Bulacan bilang isang lalawigan. Narating na ang Marilaw, Meykawayan, Obando, Santa Maria, Norzagaray, Angat, Bulakan, Hagonoy, Paombong, Pandi, San Miguel de Mayumo, San Rafael (Camansi), San Ildefonso, Plaridel (Quingua), Balagtas (Bigaa), Malolos (kabilang na ang mga dating bayan ng Sta. Ysabel at Barasoain), Angat, Pulilan (San Isidro), Bustos, Guiguinto, Bukawe, Calumpit at Donya Remedios Trinidad. Narating na rin maging ang Lunsod ng Valenzuela (Polo) na dati ring sakop ng Bulacan. Isang San Joseno. Isang Bulakenyo.

Monday, April 30, 2012

Introduksyon sa Kasaysayan ng San Jose del Monte

Sa tinagal-tagal ng pag-e-exist ng San Jose del Monte bilang isang bayan, marami pa rin ang hindi talaga malinaw sa kasaysayan ng San Jose del Monte.

Bakit kaya nagkakaproblema sa pagsulat ng kasaysayan ng San Jose del Monte? Ayon sa aking pag-aaral, narito ang mga dahilan (ang iba ay aking opinyon lamang):

1. Ang San Jose del Monte ay hindi "identified" sa kapitolyo ng Malolos kung saan majority ng mga pangyayari sa Bulacan ay nagaganap. Kapag nagbasa ng mga libro ng Kasaysayan ng Bulacan ay salat na salat ang impormasyong makukuha ukol sa San Jose del Monte. (Bagaman mayroon ay hindi magagamit upang tumayo bilang "kasaysayan" ng San Jose del Monte)

2. Ang San Jose del Monte ay "identified" sa mga mountain towns sa silangan nito (na pumapalibot sa kabundukan ng Timog Sierra Madre) tulad ng San Mateo, Antipolo, Rodriguez (Montalban), dating bayan ng Boso-boso, at mga kapatagan ng Novaliches at Kalookan. Gayunpaman, kapag nagbasa naman ng mga aklat ukol sa Kasaysayan ng Lalawigan ng Rizal (kung saan nakapailalim ang mga nabanggit na bayan) ay hindi rin makikita ang San Jose del Monte sapagkat HINDI nman siya bahagi ng nasabing lalawigan.

3. Ang pag-unlad ng bayan ng San Jose del Monte ay iregular. Napuno ito ng mga taong hindi taal na taga-San Jose del Monte na walang direktang link sa mga taong nakaaalam ng kasaysayan ng San Jose del Monte (mga taal) kaya parang na-neutralize na ang mga mamamayan nito at mukhang nawalan na ng interes sa sinaunang kasaysayan ng bayan. (opinyon ko lamang)


Ang kailangan sa panahon ngaun ay magkaroon na ng established na Kasaysayan ng San Jose del Monte. Bilang isang lungsod at bagong papaunlad na business district (na dapat lang na mapanitili pa rin ang pagiging luntian), nararapat lamang na malaman ng lahat ang kasaysayan nito upang hindi ito tuluyang makalimutan at lunurin ng urbanidad.

1 comment:

  1. Goog Blog kailangang kailangan ito para malaman ng marami ang nakaraan ng SJDM.:)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...