About Me

My photo
Pueblo de San Jose del Monte, Metro Este Bulacan
Isang San Joseno sa isip, sa salita at sa gawa, na patuloy na naghahanap ng kasagutan sa nakaraan ng minamahal niyang bayan. Bukod sa pakikipaglaban para mabuhay, ipinaglalaban din ang kasaysayan, kultura at kalikasan ng San Jose del Monte (sa pamamagitan ng panulat). Nalibot na ang 59 na barangay ng San Jose. Bukod sa sariling bayan, interesado rin sa Bulacan bilang isang lalawigan. Narating na ang Marilaw, Meykawayan, Obando, Santa Maria, Norzagaray, Angat, Bulakan, Hagonoy, Paombong, Pandi, San Miguel de Mayumo, San Rafael (Camansi), San Ildefonso, Plaridel (Quingua), Balagtas (Bigaa), Malolos (kabilang na ang mga dating bayan ng Sta. Ysabel at Barasoain), Angat, Pulilan (San Isidro), Bustos, Guiguinto, Bukawe, Calumpit at Donya Remedios Trinidad. Narating na rin maging ang Lunsod ng Valenzuela (Polo) na dati ring sakop ng Bulacan. Isang San Joseno. Isang Bulakenyo.

Sunday, May 13, 2012

Barangay Profile : Tungkong Mangga

Populasyon : 10, 260
Lokasyon :  Timog (San Manuel, Ciudad Real)
                  Silangan (Graceville)
                  Kanluran (Ciudad Real)
                  Hilaga (Maharlika, Gumaok, Sto Cristo)

Ang barangay na ito ay dating sitio ng Gaya-gaya. Nang humiwalay ito sa Gaya-gaya noong 1967 ay naging sakop rin nito ang mga ngayon ay barangay ng San Manuel, Maharlika at Ciudad Real.

Ang pook na ito ay may malawak na lupaing gulod-gulod na halos ay pawang kugunan at talahiban noong una. Ito ay humigit – kumulang sa 30 kilometro Hilagang-Silangang ng Maynila at may pitong kilometro mula sa kabayanan ng San Jose.

Paano nakuha ng Tungkong Mangga ang pangalan niya?

Bago pa man humiwalay ang Tungkong Mangga sa Gaya-gaya ay Tungkong Mangga na talaga ang pangalan nito. Nagmula ito sa tatlong puno ng mangga na nakatungko sa bukana ng Gaya-gaya na madadaan ng isang manlalakbay kung manggagaling siya  sa Tungkong Mangga.

Noong araw, ang tatlong nakatungkong manggang ito ay nagsisilbing pahingahan ng mga nagkakaingin at nagdadalatan sa kanilang maghapong paggawa. Ang mga manlalakbay ay nagpapahinga rin dito palibhasa’y malilim at kaaya-aya ang mga tanawin sa kapaligiran.

Minsan, isang grupo ng mga agrimensor o taga-sukat ng lupa ang napadpad sa lugar kung saan nakatanim ang tatlong tungkong mangga. Sa sobrang init ng araw na iyon ay napagpasiyahan nilang magpahinga sa ilalim ng tatlong nakatungkong mangga. Sapagkat nagustuhan nila ang mismong lugar na kanilang pinagpahingahan ay ginawa nila itong palatandaan.  Tinawag nila ang lugar na katatagpuan ng tatlong nakatungkong mangga na Tungkong Mangga. Mula noon, nakilala na ang Tungkong Mangga na sinabing nakasasakop sa mismong lugar kung saan matatagpuan ang tatlong nakatungkong mangga at lahat ng lugar pasilangan galing sa Gaya-gaya. 

Tungkong Mangga sa Kasaysayan

Dahil ang Tungkong Mangga ay nagsisilbing pintuan ng San Jose del Monte mula sa Caloocan, Montalban at Novaliches, malaki ang ginampanan nitong papel hindi lamang sa kasaysayan ng San Jose del Monte kundi maging ng kasaysayan ng buong Pilipinas.

Sa panahon ng digmaan laban sa mga Kastila, ang kabundukan ng Tungkong Mangga ay naging tanggulan ng Katipunan. Sa katunayan, isang balangay ng Katipunan ang nagbabantay sa tanggulang ito sa ilalim ng pamamahala ni Gat Andres Bonifacio. Kilala ang Balangay na ito bilang Balangay ________ (malalaman paglabas ng aklat na sinusulat ko.. :))

Mapa ng Bulakan na nagpapakita sa iba't-ibang lugar kung saan naging aktibo ang Katipunan (matatagpuan sa Casa Real, Malolos)

Detalye ng mapa sa taas na nagpapakita sa Tungkong Mangga

Sa panahon naman ng digmaang Pilipino-Amerikano, ang Tungkong Mangga ay naging daanan ng mga sundalong Amerikano na humahabol kina Aguinaldo na papatakas papunta sa San Miguel de Mayumo.

Ang tulay na umano'y dinaanan nina Aguinaldo

Sa panahon naman ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagmistulang isang "little Tokyo" ang Tungkong Mangga sapagkat narito ang konsentrasyon ng aktibidad ng mga sundalong Hapones na siyang kalaban ng mga guerilyerong San Joseno at Novaleno. 

(ang iba pang detalye ay matatagpuan sa aklat na isinusulat ko... :)

Kasalukuyang Tungkong Mangga


Sa pagdating ng kasalukuyang panahon, makikita ang tuloy tuloy na pag-unlad ng Tungkong Mangga. Mula sa isang natutulog na barrio ay isa na ito sa mga pinakamauunlad na bahagi ng San Jose del Monte. Matatagpuan dito ngaun ang iba't ibang bangko (kaya itinuturing siyang financial district ng San Jose del Monte), pamilihan, kainan at iba pang establisimyentong pang-komersyo. 

Isang bahagi ng Tungkong Mangga
 (photo credit : nagmula sa Wikipedia, pag-aari ni Ramz Trinidad)


Gilid ng Simbahan ng Tungkong Mangga
(photo credit : Bernadette Sueno)

Retablo ng Simbahan ng Tungkong Mangga
(photo credit : Bernadette Sueno)

Errata: Ang "Gumaok" na matatagpuang nakasulat na address sa ilalim ng mga larawan ng Simbahan ng Tungkong Mangga ay isang hindi sinasadyang pagkakamali)


Sanggunian :

Batislaong, B & Aceron, C. (1991). Kalipunan ng Mahahalagang Tala ng San Jose 
             del Monte West. Hindi nailimbag na material.
National Statistics Office (NSO) (2011). 2010 Census of Population and Housing : Bulacan
             Government document.

Wikipedia : 



NEXT POST : Gaya-gaya



7 comments:

  1. Sa may Colinas Verdes sya tol... Sayang nga eh...,

    pero ok na rin kasi hindi siya sinira ng Colinas at pinabayaan siyang nakatayo dun

    ReplyDelete
  2. Good Day Sir! salamat sa pagdalaw sa blog ko, tamang tama po ang pagmessage niyo sakin kasi meron po akong ginagawa ngayon sa google map maker na may kinalaman sa mga barangays ng san jose del monte, tingin ko marami akong makukuhang detalye sa blog niyo.

    at ayun po favor nalang kung sakaling may mga mapa po kayo ng san jose del monte na nagpapakita nung mga major landmarks,subdivisions, official boundaries tsaka mga roads,sana po ay mailagay ninyo sa blog na ito. maraming salamat ho.

    anyways, sana makapagconnect pa po tayo dito sa blogger, ito po ulit yung blog ko http://pinoyislomaniac.blogspot.com/ pafollow nalang po kung di kayo busy para makapagpalitan po tayo ng mga kwento sa mga bayan natin. salamat!

    ReplyDelete
  3. MARAMING SALAMAT SA NAGPAGOD NA MAGREASEARCH AT IPOST ANG MGA IMPORMASYONG ITO. SANA'Y PATULOY KAMING MAKABASA NG MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA LUGAR NA ITO. GOD BLESS YOU!

    ReplyDelete
  4. Salamat po ma'am! (Ma'am mavic, ikaw ba yan?) :)

    ReplyDelete
  5. hala, sori naman mali pala labels ng pictures ko :)
    balik ako djan tol, mas maganda na camera ko ngayon. FYI, I've listed your blog in mine, as promised.

    tara, gala tayo :D

    ReplyDelete
  6. mga sir pede q po ba malaman kung my resedente po kayo jan na marlon villas.kailangan ko po sya makita at makausap

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...