About Me

My photo
Pueblo de San Jose del Monte, Metro Este Bulacan
Isang San Joseno sa isip, sa salita at sa gawa, na patuloy na naghahanap ng kasagutan sa nakaraan ng minamahal niyang bayan. Bukod sa pakikipaglaban para mabuhay, ipinaglalaban din ang kasaysayan, kultura at kalikasan ng San Jose del Monte (sa pamamagitan ng panulat). Nalibot na ang 59 na barangay ng San Jose. Bukod sa sariling bayan, interesado rin sa Bulacan bilang isang lalawigan. Narating na ang Marilaw, Meykawayan, Obando, Santa Maria, Norzagaray, Angat, Bulakan, Hagonoy, Paombong, Pandi, San Miguel de Mayumo, San Rafael (Camansi), San Ildefonso, Plaridel (Quingua), Balagtas (Bigaa), Malolos (kabilang na ang mga dating bayan ng Sta. Ysabel at Barasoain), Angat, Pulilan (San Isidro), Bustos, Guiguinto, Bukawe, Calumpit at Donya Remedios Trinidad. Narating na rin maging ang Lunsod ng Valenzuela (Polo) na dati ring sakop ng Bulacan. Isang San Joseno. Isang Bulakenyo.

Thursday, May 31, 2012

Barangay Profile : Gumaoc


Populasyon   :    Gumaoc East (4,533); Gumaoc Central (3,392); Gumaoc West (6,915)
Lokasyon     :    Hilaga (Francisco Homes-Yakal; Francisco Homes-Mulawin)
                          Hilagang Silangan (Sto. Cristo)
                          Silangan (Tungkong Mangga)
                          Timog (Maharlika, Graceville, Gaya-Gaya)
                          Kanluran (Gaya-gaya)
           
Isa lamang sitio ng Gaya-gaya noon ang Gumaoc na ihinihiwalay ng isang mahabang sapa mula sa nauna. Sa kabilang bahagi naman ay may sapa ring humihiwalay sa sitio mula sa nayon ng noo’y buo pang Sto. Cristo. Ito ang noo’y pinaka hilagang bahagi ng Gaya-gaya na humahangga sa nayon ng Sto. Cristo. Sinasabi ng mga matagal nang nakatira dito na humiwalay daw ang Gumaok bilang isang buong barangay sa Gaya-gaya bago ito naging 3 barangay ngunit walang dokumento ang sumusuporta dito.  Ayon sa opisyal na dokumento (R.A. 337) nang ang Gumaoc ay humiwalay sa Gaya-gaya noong 1991, hinati-hati pa ito sa tatlong barangay: ang Gumaoc East, Gumaoc West, Gumaoc Central.

Ang Gumaok noo’y tinatawag na Liberty Farms na napasailalim ng National Housing Authority (NHA) at pinamahalaan ng naturang ahensiya bilang Liberty Farms Upgrading Project (LFUP), isang resettlement area. Bagaman sinasabing isang resettlement area, iba ang karanasan ng Gumaok kung ikukumpara sa Sapang Palay. Karamihan sa mga nakatira ngaun dito ay kamag-anakan ng mga naghawan at nagbantay sa mga lupa sa Gumaok. Hindi ito katulad ng sa Sapang Palay kung saan ang mga informal settlers ay sabay sabay (o batch per batch) na ipinadala sa lugar ng pamahalaan.

Bakit tinawag na Gumaok ang Gumaok?

Noong una ay walang pangalan ang sityong matatagpuan sa kabilang ibayo ng sapang nasa hilaga ng noon ay nayon ng Gaya-gaya. Sinasabing ang lupang ito ay pag-aari ng isang Kastilang nagpatanim sa lugar ng maraming puno ng goma bilang kanyang kalakal sa Maynila.

Isang umaga ay nagising ang Kastila na nag-iisip kung ano kayang magandang itawag sa kanyang pag-aaring lupain. Habang nag-iisip ay napatingin siya sa isang puno ng goma kung saan isang tumitilaok na manok ang nakahapo. Habang naiisip niya ang salitang goma na siya sana niyang nais ipangalan sa lugar dahil sa pagkakaroon ng maraming puno ng goma sa lugar ay tumilaok nang tumilaok ang manok.... ok!ok!ok! ang narinig na kataga ng Kastila, napagpasiyahan niya na idugtong ang katagang “ok” sa salitang “goma” para maging Gumaok ang pangalan ng lugar

Mula nang ipamalita ng Kastila na tatawagin nang Gumaok ang lupain na kanyang pag-aari ay tinawag na nga ito sa ganoong pangalan ng mga tao na nagpapatuloy magpasahanggang ngayon.

Kasalukuyang Gumaoc

Maliit mang lugar ay mataas ang densidad ng populasyon ng Gumaok kaya hati pa ito sa 3 barangay. Gayunpaman, sa mga unang taon ng pag-e-exist nito bilang 3 magkakahiwalay na barangay, magkakakilala pa rin ang mga tao at patuloy ang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.

Barangay Hall : Gumaoc Central

Barangay Hall : Gumaoc West

Barangay Hall : Gumaoc East
Gumaok Elementary School
Karamihan sa mga taga-Gumaok ay sa eskwelahang ito nagtapos ng elementarya. Bago buksan ang eskwelahang ito, ang mga taga-Gumaok ay nag-aaral sa Tungkong Mangga Elementary School o kaya naman sa Gaya-gaya Elementary School.

Our Lady of Fatima Chapel
 Lumang simbahan ng buong Gumaok hanggang 2009. Matatagpuan sa Gumaoc Central. Pagkaraan ng 2009 ay nagkaroon na ng sariling mga chapel ang Gumaoc East at Gumaoc West. Nasa ilalim ito ng Parokya ni San Pedro Apostol.

Our Lady of Immaculate Concepcion Chapel
Gumaoc West
Silhouette ng Chapel ng Gumaoc East
Loob ng simbahan ng Gumaoc East

Mini-CBD ng Gumaoc East



Waiting Shed sa Kanto ng Gumaok


Quirino Highway, Kanto ng Gumaok



7 comments:

  1. nice sir! Hindi lang basta kwento, may information! naliwanagan ako. :)))

    ReplyDelete
  2. Hindi pa ko nakapunta sa Gumaoc.. makapunta nga :D

    ReplyDelete
  3. nice.. effort kung effort :))

    ReplyDelete
  4. WOW! Nice sir. Keep up your good work :)

    ReplyDelete
  5. isa din akong old tenant n tga gumaok may isa pang kwento kung bkit tinawag na Gumaok ang Gumaok dti kc base sa kwento ng mga matatanda d2 samin ung gumaok daw twag dti ay guam isla kagaya ng sa pacific ocean at pook pg pinagdikit bse sa pgsasalita ng lenguaheng amerikano nung unang panahon dw ng amerikano ang ngtawag nyan kc ang liit dw na lugar pero madaming tao...

    ReplyDelete
  6. gling sir isa aqong tga gumaok east Impluwensia Recording Studio sa kanto..

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...