About Me

My photo
Pueblo de San Jose del Monte, Metro Este Bulacan
Isang San Joseno sa isip, sa salita at sa gawa, na patuloy na naghahanap ng kasagutan sa nakaraan ng minamahal niyang bayan. Bukod sa pakikipaglaban para mabuhay, ipinaglalaban din ang kasaysayan, kultura at kalikasan ng San Jose del Monte (sa pamamagitan ng panulat). Nalibot na ang 59 na barangay ng San Jose. Bukod sa sariling bayan, interesado rin sa Bulacan bilang isang lalawigan. Narating na ang Marilaw, Meykawayan, Obando, Santa Maria, Norzagaray, Angat, Bulakan, Hagonoy, Paombong, Pandi, San Miguel de Mayumo, San Rafael (Camansi), San Ildefonso, Plaridel (Quingua), Balagtas (Bigaa), Malolos (kabilang na ang mga dating bayan ng Sta. Ysabel at Barasoain), Angat, Pulilan (San Isidro), Bustos, Guiguinto, Bukawe, Calumpit at Donya Remedios Trinidad. Narating na rin maging ang Lunsod ng Valenzuela (Polo) na dati ring sakop ng Bulacan. Isang San Joseno. Isang Bulakenyo.

Friday, October 19, 2007

Ang San Jose del Monte

Ang San Jose del Monte ay isang lungsod na matatagpuan sa Bulacan. Naliligiran ito ng mga bayan ng Marilao at Sta. Maria (parehong Bulacan) sa kanluran; Norzagaray, Bulacan sa hilaga; Rodriguez (Montalban), Rizal sa silangan; at mga lungsod ng Quezon at Caloocan sa timog.


Lokasyon ng San Jose del Monte


Mula sa SM Fairview ay may mga 15 minutos lang ang kailangang lakbayin para makarating dito. Biro naman ng ilan, may SM rin naman talaga sa San Jose del Monte: Susana Mart sa Tungko at Sampol Market sa Sapang Palay.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...