About Me

My photo
Pueblo de San Jose del Monte, Metro Este Bulacan
Isang San Joseno sa isip, sa salita at sa gawa, na patuloy na naghahanap ng kasagutan sa nakaraan ng minamahal niyang bayan. Bukod sa pakikipaglaban para mabuhay, ipinaglalaban din ang kasaysayan, kultura at kalikasan ng San Jose del Monte (sa pamamagitan ng panulat). Nalibot na ang 59 na barangay ng San Jose. Bukod sa sariling bayan, interesado rin sa Bulacan bilang isang lalawigan. Narating na ang Marilaw, Meykawayan, Obando, Santa Maria, Norzagaray, Angat, Bulakan, Hagonoy, Paombong, Pandi, San Miguel de Mayumo, San Rafael (Camansi), San Ildefonso, Plaridel (Quingua), Balagtas (Bigaa), Malolos (kabilang na ang mga dating bayan ng Sta. Ysabel at Barasoain), Angat, Pulilan (San Isidro), Bustos, Guiguinto, Bukawe, Calumpit at Donya Remedios Trinidad. Narating na rin maging ang Lunsod ng Valenzuela (Polo) na dati ring sakop ng Bulacan. Isang San Joseno. Isang Bulakenyo.

Tuesday, October 30, 2007

Eleksyon na naman!

Eleksyon na naman!

Magkakaroon na naman ng 59 na bagong barangay captain at 413 na barangay kagawad ang Lungsod ng San Jose del Monte.

Sa isang balita sa online na diyaryo, ang mga barangay ng Muzon at San Isidro ay tinututukan ng PNP dahil idineklara itong election hotspot. Ang Barangay Muzon ang may pinakamalaking populasyon sa lahat ng barangay ng San Jose del Monte samantalang ang San Isidro naman ay ang pinakadulong barangay ng lungsod kung saan, ilan sa mga kapitan ay dinukot ng mga hindi kilala at pagkaraa'y natagpuan na lamang na patay nung mga nakaraaang taon.

Sobrang dami ng tumakbo sa halalang ito ng mga kapitan at kagawad. Sa Barangay lamang namin (Gumaoc Central), 38 n kagawad na ang tumakbo samantalang 3 kapitan ang naglaban-laban. Mas malala naman ang labanan sa katabi naming barangay (Gumaoc West) : 96 umano ang tumakbong kagawad samantalang 4 ang naglaban-labang kapitan. Mukhang maraming nagnanais na pagsilbihan ang bayan... (Sana!)

Ang mga sumusunod ang mga barangay ng San Jose del Monte na magkakaroon ng mga bagong (o luma?) kapitan at mga kagawad na magtataguyod sa kaunlaran ng mga nasabing barangay:

District I
Dulong Bayan Gaya-gaya Kaypian
Kaybanban Muzon Poblacion
Santo Cristo Tungkong Mangga Ciudad Real
Francisco Homes-Guijo Francisco Homes-Mulawin
Francisco Homes-Narra Francisco Homes-Yakal
Graceville Gumaoc Central Gumaoc East
Gumaoc West Maharlika Paradise III
Poblacion I San Isidro San Manuel
San Roque

District II
Bagong Buhay Minuyan Sapang Palay Proper
Citrus San Martin Santa Cruz
Fatima San Pedro San Rafael
Santo Niño Assumption Bagong Buhay II
Bagong Buhay III Fatima II Fatima III
Fatima IV Fatima V Lawang Pari
Minuyan II Minuyan III Minuyan IV
Minuyan V Minuyan Proper San Martin II
San Martin III San Martin IV San Rafael I
San Rafael III San Rafael IV San Rafael V
Santa Cruz II Santa Cruz III Santa Cruz IV
Santa Cruz V Santo Niño II St. Martin de Porres

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...