Population : 13,727
Lokasyon : Hilaga
(Gumaok, malaking bahagi; Yakal; Poblacion)
Kanluran (Muzon)
Silangan (Graceville)
Timog (Caloocan)
Ilang
kilalang mga Sitio : Pakulis, Tubigan
Isa ang Gaya-gaya sa mga
pinakamalaking barangay ng San Jose del Monte bago ito mahati-hati sa maraming
barangay. Dati nitong nasasakop ang Graceville, Gumaoc East, Gumaoc Central,
Gumaoc West at Tungkong Mangga (kasama na ang mga barangay ngayon na dating
sakop ng Tungkong Mangga : San Manuel, Maharlika, Ciudad Real),
Unang lumiit ang Gaya-gaya nang
humiwalay mula rito ang Tungkong Mangga noong 1967. Noong 1991 naman ay muli
itong nahati at mula rito ay humiwalay ang mga barangay ng Graceville, Gumaoc East, Gumaoc Central at Gumaoc West .
Sa ngayon, bagaman malaki pa rin
ang nasasakop na lupain, ang Gaya-gaya ay isa sa mga barangay ng San Jose del
Monte na nagtataglay ng manipis na densidad ng populasyon dahil maliit ang
populasyon nito kumpara sa laki ng sakop nito.
Paano naging Gaya-gaya ang
pangalan ng Gaya-gaya?
Kilala ang barangay na ito noon
bilang Pintong Sapang. Gayon ang ngalan sapagkat noong araw ay may isang burol
na di kalayuan sa kinatatayuan ng kapilyang katoliko ngayon na may kulumpon ng
malalaking punong sapang na kung pagmamasdan mula sa
malayo ay waring lagusan o pinto.
Ang Pintong Sapang noon ay
pinamumunuan ng isang sarhento ng mga guardia civil. Kilala ang sarhentong ito
bilang si Senyor Constantino. May maliit na kampamento ang mga kastila sa
nayong ito upang magtanod sapagkat ito ang ginagawang daan ng mga tulisan na
nagmumula sa kabundukan ng Tungkong
Mangga .
Bago dumating si Senyor
Constantino, ang mga naninirahan sa Pintong Sapang ay gumon sa bisyo tulad ng
pagsusugal at pag-inom na alak. Pinilit ni Senyor Constantino
na baguhin ang mga gawing ito ng mga tao. Masigasig niyang itinuro sa mga
magkakanayon ang matuwid na landas ng pamumuhay. Nagpakita siya ng mga
magagandang halimbawa. Di naglaon ay
nagtagumpay siya at tinularan na siya ng mga taga Pintong-Sapang. Dahil alam na ng mga tao ang masama
sa mabuti, napamahal ang sarhento sa mga mamamayan.
Sinasabing sa gulang na 52 ay pumanaw na si
Senyor Constantino. Labis na dinamdam ng mga taga-Pintong Sapang ang kanyang
pagkamatay kaya’t nangako silang lahat na lahat ng ipinakita nitong kabutihan
ay gagayahin nila.
Mula noon, kapag may nagawing estranghero sa
lugar na ito, una niyang napupuna ay ang magkakatulad na gawain ng mga tao.
Kung ang estranghero ay may bagong magagandang gawaing ipinakikita sa mga tao,
tiyak na gagayahin ito ng mga taga Pintong Sapang kung kaya naman masasambit
niya ang mga katagang “gaya-gaya” sa pagiging gaya- gaya ng mga tao rito.
Dahil doon, nakapit na ang pangalang “gaya-gaya”
sa pook at hindi na ito tinawag na Pintong Sapang. Ang pangalang “Gaya-gaya” ay
nagsilbi nang pagbuhay sa ala-ala ng kadakilaan ni Senyor Constantino na siyang
unang pinag-gayahan nila at nagpamulat sa kanila ng tamang paraan ng pamumuhay.
Kasalukuyang Gaya-Gaya
Sa kasalukuyan, isa ang Gaya-gaya sa mga
matatawag na hindi gaanong urbanisadong bahagi ng lunsod. Kakaunting establisimyento
lamang ang matatagpuan dito ngayun. Maituturing na isang residensyal na
barangay ang Gaya-gaya sapagkat karamihan ng nakatayo dito ay mga bahay ng mga old
tenant o mga nakabili ng bahay sa subdibisyon o yaong mga relocatees.
Sa barriong ito matatagpuan ang Gaya-gaya
Elementary School, ang matagal na nagsilbing mababang paaralan ng Gaya-gaya at
ng iba pang sitio at ngayun ay mga barangay nang tulad ng Gumaoc (East, Central
at West), Graceville at Tungkong Mangga nung wala pang mga sariling paaralan
ang mga huli.
Naririto rin ang napakalaking bahay sambahan ng
Iglesia ng Dios kay Cristo Jesus na matatagpuan malapit na sa Sitio Pakulis, sa
likod (at gilid) ng Christian Ecclesiastical School.
Wow, it really brings me a proud feeling knowing what our barangay's history is, and how does it came into its own unique name. Hope you continue to enlighten more minds and generations! God speed.
ReplyDeletehello ! alam ninyo po ba ang history ng gaya-gaya elementary school? thank you po
ReplyDeleteGrabe ang ganda ng kwento or history ng gayagaya or pintong sapang very nice it's unbelievable
ReplyDelete